Make your own free website on Tripod.com

                                                   Basta PBB, Quality!

                                                   PBB MONTESSORI

                                Kultura

 

             Ang kultura ay tumutukoy sa mga aktibidad ng sangkatauhan. Ito ay nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang mamamayan o ng bansa. May mga Batas at Programa ang itinaguyod ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kultura. Sa katunayan, ito ay nakapaloob sa ating Konstitusyon. Sinanasabi sa Artikulo XIV, Seksyon 14 hanggang 18 ang mga sumusunod:

1. Pagtataguyod ng Estado sa pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino.

2. Pagtangkilik ng Estado sa mga sining at panitikan.

3. Panganagalaga, pagtangkilik, at pagpapalaganap ng mga pamang historikal at kultural at mga likhang artistiko ng bansa.

4. Pagkilala, pagpapahalaga, at pangangalaga sa karapatan ng mga katutubo upang mapanatili at mapaunlad ang kanilang kultura, tradisyon at institusyon.

5. Pagbibigay na pantay na pagkakataon sa edukasyon, iskolarship, at mga insentibo.

6. Paghikayat at pagsuporta sa mga pag-aaral at pananaliksik tungkol sa sining at kultura.

 

MGA PROGRAMA SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

 

             May iba’t-ibang programang itinaguyod ang pamahalaan upang mapagyaman at mapaunlad nito ang kultura ng bansa. Isa rito ang pagtatatag ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, na naglalayon na: 1) sanayin ang mga kabataan sa musika, sayaw, drama, at sining; 2) sanayin ang mga guro sa pamamagitan ng mga panayam, komperensya, seminar at workshop sa sining; 3) manaliksik tungkol sa katutubong musika, sayaw, at iba pang sinaunang tradisyon ng mga Pilipino; 4) magtipon, ipagpatuloy at ikalat ang mga bahagi ng mga kulturang Pilipino na malapit ng mawala; 5) pasiglahin ang pagbuo ng mga grupong pangkultura at tulungan sila sa pagtatanghal ng mga drama, konsyerto, sayaw at eksibit; 6) magsimula ng mga paligsahan upang makatulong sa pagtuklas ng mga Pilipinong may pambihirang talino sa sining; 7) at magtipon at magtago ng mga ulat tungkol sa mga pangkulturang pagtatanghal.

 

KARAPATAN AT TUNGKULIN SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

 

1. Karapatan at Tungkulin sa Pag-aaral

             Lahat ng mamamayan ay binibigyan ng pagkakataong makapag-aral.              Naniniwala ang pamahalaan sa kahalagahan ng edukasyon. Kung ikaw ay              nakapag-aral, makatutulong ka sa pagpapaunlad ng bansa at ng kulturang              Pilipino.

             Kung isang karapatan mo ang makapag-aral, ang katapat na tungkulin nito              ay ang pag-aaral mo nang mabuti.

2. Karapatan at Tungkuling Makibahagi sa Agham at Sining

             Isang karapatan ang makibahagi sa kasiyahan sa sining at agham. Kasama              rin dito ang karapatang tumanggap ng kita o pakinabang mula sa nagawang              pansining o pang-agham.

             Ang tungkuling katumbas nito ay ang hindi pagkopya o pogsira sa nilikha              ng iba.

3. Karapatan at Tungkulin sa Pagkuha at Pagpapahayag ng Impormasyon

             Bawat Pilipino ay may karapatang malaman ang katotohanan at anumang              impormasyong mahalaga sa kaniya. Karapatan din niyang ipahayag ang              sarili niyang opinyon at damdamin sa iba’t-ibang paraan.

             Ganoon pa man, may tungkulin kang alamin kung ito ay tama o may batayan             kaya.

4. Karapatan at Tungkuling Panrelihiyon

             Bawat Pilipino ay may karapatang pumili ng kaniyang relihiyon o sumamba              sa kaniyang Diyos.

             Kaugnay nito, tungkulin mo namang igalang ang paniniwalang panrelihiyon              ng iba kahit taliwas ito sa sarili mong paniniwala.

5. Karapatan at Tungkulin sa Pagsali sa mga Samahan

             Nasasaad sa ating Konstitusyon ang karapatan nating sumali o magtatag              ng mga samahan o kapisanan na naaayon sa mga batas. Nakatutulong ito sa              pansarili nating pag-unlad.

             Tungkulin naman natin ang maging mabuting kasapi sa pamamagitan ng              pagsunod sa mga tuntunin nito. Tungkulin din nating igalang at hindi siraan              ang ibang samahan.

ANG PILIPINO SA PAGPAPAUNLAD NG KULTURA

Sa Larangan ng Sining

Sa Panitikan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa Musika

 

 

 

 

            

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa Pagpinta at Paglilok

 

 

 

 

 

 

UP OBLATION

 

 

 

 

Sa Arkitektura

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sa Larangan ng Palakasan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagpapaunlad ng Sariling Kultura

Ano ang Kultura?

image of Jose Rizalimage of Francisco Balagtasimage of apolinario mabiniimage of lea salongaimage of monique wilsonimage of levi celerio

Lea Salonga

Monique Wilson

Levi Celerio 

Jose Rizal

Francisco Balagtas

Apolinario Mabini

image of spoliarium

SPOLIARIUM ni Juan Luna

image of UP Oblationimage of quiapo church

Quiapo Church

image of luisito espinozaimage of lydia de vegaimage of paeng nepomuceno

Luisito Espinoza

Lydia de Vega

Paeng Nepomuceno